Panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK elections, isinulong sa Senado
Tinalakay na sa komite sa Senado ang mga panukalang batas na maipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral reforms, iminungkahi ni Senador Franklin Drilon na sa halip na sa May 2020, inimungkahi nya na maisagawa ito sa May 2021 para makumpleto ng mga mga incumbent officials ang kanilang tatlong taong termino batay sa itinatakda ng local government code.
Ito’y para maipatupad rin ang kanilang mga programa at hindi makapag concentrate ang mga opisyal sa pangangampanya.
Ayon kay Drilon, malaking focus aniya ng mga Barangay officials ay napupunta sa eleksyon sa halip na paigtingin ang mga programa sa kanilang komunidad.
Aminado rin si Comelec commissioner Antonio Kho na naghahanda na sila para sa pagdaraos ng Brgy. at SK elections sa susunod na taon.
Apila nya sa Senado, hindi dapat idikit sa 2022 National at Local elections.
Dalawang panukala ang nakapending ngayon sa Senado.
Kabilang na rito ang panukala ni Senador Bong Go na humihiling na isagawa na lang ang eleksyon sa October 22 habang may 2023 naman sa panukala ni Senador Imee Marcos.
Ulat ni Meanne Corvera