Panukalang ipagpaliban ang October Brgy at SK elections aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang ipagpaliban ang October Brgy at SK elections.
Sa botong 212-10 inaprubahan ng Kamara na gawin ang Brgy. at SK polls sa ikalawang Lunes ng Mayo ng 2018.
212 na Kongresista ang bumoto ng yes at 10 naman ang bumoto ng no.
Inaprubahan din ang hold over position, ibig sabihin mananatili sa pwesto ang mga kasalukuyang Brgy at SK official hanggang sa magkaroon na ng halalan.
Ang pagpapaliban sa halalang pangbarangay ngayong Oktubre ay upang mabigyang daan ang paglilinis sa barangay level mula sa iligal na droga.
Ayon kay Pangulong Duterte maraming opisyal ng Barangay ang nasasangkot sa iligal na droga.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo