Panukalang itaas ang edad ng sexual consent sa 16 taong gulang, pinagtibay ng Komite sa Senado
Inaprubahan na ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang panukalang batas na itaas ang edad ng sexual consent sa edad na 16 anyos mula sa kasalukuyang 12 anyos.
Sina Senador Imee Marcos at Juan Miguel Zubiri ang nagsulong ng panukalang batas dahil sa anila’y nakakaalarmang kaso ng maagang pagbubuntis at panganganak ng mga kabataan mula sa edad 10 hanggang 16 na taong gulang.
Sakaling maisabatas, ituturing ng Statutory rape na may parusang Reclusion Perpetua ang pakikipagtalik ng isang adult o 21 taong gulang pataas sa isang babaeng hindi pa sumasapit sa edad na 16.
Sinabi ng mga mambabatas na sa pag-aaral ng World Bank umaabot sa 500 mga kabataan ang nanganganak araw araw.
Sa datos na ito 70 percent ng partner ng mga kabataan ay adult kaya maituturng anila itong Pedophiles at Predators kaya dapat lamang makulong.
Ayon kay Senador Richard Gordon na chairman ng Komite, gagawa na ito ng Committee report para agad maiendorso sa plenaryo sa Lunes.
Meanne Corvera