Panukalang lumang cellphone numbers hindi na kailangang palitan sakaling lumipat ng telcos aprubado na sa bicam
Inaprubahan na ng bicameral conference committee ang panukalang batas na hindi na kailangang palitan ang cellphone numbers ng isang consumers kahit pa lumipat ito ng telecommunications company.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, may akda ng panukala, sa kasalukuyan kasing sistema, malaking problema kapag lilipat ng telco dahil lahat ng nasa phonebook ay kailangang i text para sa pagpapalit ng numero.
Pero sa inaprubahang panukala, sa mga prepaid subscribers ang kailangan lamang ay iparehistro ang kanilang numero.
Samantalang ang mga postpaid subscribers, aalisin lang ang signal nito sa loob ng dalawa hanggang apat na araw at ang lilipatang telco na ang magbabalik nito.
Ang mga lalabag, maaring patawan ng multa ng hanggang four million pesos at posibleng pagpapawalang bisa ng kanilang prangkisa.
Kung ang third telco ay nagbaba ng presyo, nagbigay ng mas magandang service, hindi na tayong mahihirapang lumipat sa kahit anong telco. Ngayon kasi kung marami kang cellphone numbers, isang malaking problema kung lilipat ka ay kakailanganin mo i-text ang lahat na papalitan mo na ang cellphone number mo, with this law, hindi mo na kailangan gawin yun
Ulat ni Meanne Corvera