Panukalang ma-exempt sa buwis ang honorarium ng mga empleyado, tinalakay na ng Senado
Tinalakay na ng Senate Committee on Ways and Means ang mga panukalang batas na i-exempt sa income tax honoraria ng mga guro na magsisilbing Electoral board tuwing may eleksyon.
Sa panukala ni Senador Sherwin Gatchalian, kung aalisin ang 20 percent na income tax, buong maiiuwi ng miyembro ng Electoral board ang kanilang sweldo at allowances.
Sa datos ng Comelec, ang board of election inspector tatanggap ng 9,500 na honoraria at allowances habang 8,500 ang mga guro.
Ang mga support staff makakatanggap ng 7,000 pesos habang 4,000 ang mga naka duty na medical staff.
Sinabi ng Senador malaking bagay kung aalisin ang tax dahil maaring umabot sa 1,900 ang madadagdag sa iuuwing honoraria.
Pabor si Senador Koko Pimentel sa panukala dahil malaking tulong raw ito sa mga guro pero tutol ang Department of Finance.
Marami na raw ibinigay na benepisyo sa mga mangagawa kasama na ang mga guro.
Isa na rito ang pag-exempt sa buwis mula sa kinikita ng mga empleado na hindi lalagpas sa 250,000 pesos sa ilalim ng train law.
Hindi rin pabor ang Bureau of Internal Revenue na magpasa ng hiwalay na batas para sa tax exemption.
Hindi raw ito makakatutulong sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya.
Meanne Corvera