Panukalang maagang pagboto ng mga Senior Citizen at PWD’s dapat nang isabatas
Umapila si Senador Sonny Angara sa mga kasamahang Senador na ipasa na ang panukalang Early voting scheme para sa mga Senior Citizen at persons with disabilities (PWDs).
Ayon kay Angara na batay sa report ni Commission on Elections Chairman George Garcia, “blockbuster” ang resulta ng pilot implementation ng maagang pagboto ng mga Senior citizens at PWDs sa katatapos na Baranggay at Sangguniang kabataan elections.
Sa Senate Bill Number 777 na isinusulong ni Angara nais nitong mainstitutionalize ang maagang pagboto ng Seniors at PWDs para magawa sa 2025 election.
Sa panukala ni Angara, maaaring makaboto ang mga senior at PWDs sa loob ng 15 araw bago ang mismong araw ng eleksyon.
Bukod dito, pipili rin ang COMELEC ng lugar na accessible para sa mga tinatawag na vulnerable sector.
Naniniwala si Angara na kung maisasabatas ang panukala ay magiging mas madali at mas kumportable para sa mga matatanda at mga may kapansanan ang pagboto tuwing halalan.
Meanne Corvera