Panukalang mabigyan ng sapat na suweldo at otonomiya ang mga Barangay officials, isinusulong ni Senador Angara
Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas para mabigyan ng tamang kompensasyon at otonomiya ang mga Barangay officials.
Sa Senate Bill 136 ni Angara o Magna Carta for Barangay, nais ni Angara na mapabilang ang mga Baranggay officials bilang regular government employee.
Ibig sabihin, makakatanggap rin sila ng fixed salaries, allowance, insurance., medical, insurance at retirement benefits.
Iginiit ni Angara na ang mga Barangay officials and employees ang nasa frontline ng gobyerno tuwing may problema o krisis pero hindi nabibigyan ng sapat suweldo o benepisyo para sa kanilang pangangailangan.
Ulat ni Meanne Corvera