Panukalang magamit ang mga video recordings at CCTV footage isinulong sa Senado
Naghain na ng panukalang batas si Senador Leila de Lima para magamit ang mga Video recordings at mga CCTV footages bilang ebidensya sa mga Court proceedings.
Sa Senate Bill 1073 o Security Camera Evidence Preservation Act ni De Lima, hiniling nito na magamit ang mga CCTV footages para sa investigation at prosecution ng mga iniimbestigahang krimen.
Sa panukala, inatasan ang mga Government offices at mga private establishments na i-preserved ang mga recorded video.
Mahalaga aniya ngayon ang video recordings lalo na sa mga krimen na binura ang anumang ebidensya.
Ilan sa tinukoy ni De Lima ang mga kaso ng pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng detention cell at paglilipat ng pondo ng RCBC Bank sa isang bangko sa Bangladesh kung saan parehong nawala ang CCTV footages.
Inaasatan naman ang Department of Interior and Local Government, National Intelligence Coordinating Agency na magtatag ng isang ahensya kung saa maaring iparehistro ang mga security camera at ma-preserve ang confidentiality ng mga impormasyon.
Ulat ni Meanne Corvera