Panukalang magbibigay proteksyon at pagkilala sa mga caregiver, isinusulong ng isang senador
Isinusulong ni Senador Francis Tolentino ang panukalang magbibigay proteksyon at pagkilala sa kapakanan ng mga caregiversa bansa.
Inihain ni Tolentino ang Senate Bill 1396 o ang Caregivers Welfare bill bilang pagpapahalaga sa mga manggagawa sa tinawag niyang isang underrated sector.
Sa panukala, ang caregiver ay isang indibidwal na graduate ng caregiving course mula sa accredited training institution na kinikilala ng pamahalaan o ng isang sertipikadong institution at nagbibigay ng caregiving services.
Nakasaad dito ang pagtatakda ng minimum wage para sa mga caregiver na hindi dapat bababa sa itinatakda ng rehiyon na kanilang kinaroroonan.
Dapat ring walong oras lang ang trabaho ng isang caregiver na dapat ay nakabase sa pinirmahan nilang kontrata, at ang pagbibigay sa kanila ng overtime pay kapag lumagpas sa nakatakdang oras ng duty.
Inoobliga rin ang kanilang employer na magkaroon ng ng SSS, Philhealth, Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG at iba pang benepisyo.
Meanne Corvera