Panukalang magpapalakas sa Anti-Terrorism Law inendorso na sa plenaryo
Isinumite na ni Senador Panfilo Lacson para sa plenary debates ng Senado ang panukala para sa pagpapalakas ng batas ng bansa laban sa terorismo.
Ito’y ang Senate Bill number 1083 na aamyenda sa Human Security Act na tatawagin nang Anti-Terrorism law.
Sa kaniyang sponsorship speech ukol dito, sinabi ni Lacson na kailangan na ng matapang na batas dahil naging mas kumplikado at mas malupit ang mga terorista. .
Sa panukala, mula sa kasalukuyang tatlong araw, maaaring makulong na ang paghihinalaang terorista ng hanggang 14 na araw kahit walang kaso.
Maaari ring isailalim ng militar at pulisya sa 60 hanggang 90 days ang terrorism suspect pero kailangan ng awtoridad mula sa Korte.
Senador Lacson:
“We saw the recent spate of suicide bombings in our southern island provinces. just over the weekend of September 15, at least 700 kilos of Ammonium nitrate and an 81 mm mortar fuse were recovered in Patikul, Sulu. imagine the extent of damage that these huge amounts of explosive components could have done if these were not seized by our security forces“.
Tatanggalin naman ang nasa batas ngayon na 500,000 pisong multa para sa bawat araw na maling pagkakabilanggo at pag -uusig sa pinaghinalaang terorista.
Bibigyan rin ang pulisya at militar ng poder na magpetisyon sa Korte para utusan ang mga Telco providers na ibahagi sa mga imbestigador ang tawag/ text messages at internet communication ng suspek sa terorismo.
Ayon kay Lacson, na pangunahing nagsulong ng panukala, kailangan nang isaayos ang batas na nagpapahirap sa mga awotirad na manghuli ng terorista.
“Only in the Philippines – as the expression goes – where the anti-terror law has literally more provisions restricting our law enforcers than bringing terrorists to justice. that is not an exaggeration”.
Ito aniya ang dahilan kaya mula nung isabatas ang Human Security act nung 2007, isa pa lang ang naipakulong sa kasong terorismo at ito ay ang diumano’y recruiter ng mga teroristang Maute na nanggulo sa Marawi city noong 2017.
Tiniyak naman na sa gagawin nilang batas, magkakaroon ng sapat na proteksyon ang publiko laban sa pag-abuso.
“Our country needs an anti-terror law that would provide a strong legal backbone to support our criminal justice response to terrorism, enable our law enforcers the much-needed tools to protect our people from the threat of terrorism, and at the same time, safeguard the rights of those accused of the crime“.
Ulat ni Meanne Corvera