Panukalang magsususpinde sa VAT sa oil products, hiniling na pagtibayin na
Umaapila si Senador Imee Marcos sa mga kapwa mambabatas na ipasa na ang panukalang magsusupinde sa ipinapataw na VAT sa mga produktong petrolyo.
Nababahala ang Senador sa epekto ng sunud-sunod na oil price hike sa mga negosyo lalo na sa domino effect nito sa mga produktong pagkain at presyo ng pamasahe.
Katunayan aniya ang petisyon ng grupo ng mga transportasyon na iatas ng tatlong piso ang singil sa pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.
Senador Imee Marcos:
“Matitigil lang ang hirit na taas pasahe kung walang oil price hike. may domino effect lahat yan basta gumalaw ang presyo ng petrolyo, mga pobreng Pilipino lagi ang talo. may kapangyarihan si Pangulong Duterte na ipatigil ang oil price hike kung may national emergency or matinding calamity”.
Ayon kay Marcos, dapat umaksyon ang gobyerno dahil hindi pa nakababangon ang maraming Filipino sa epekto ng Pandemya.
May kapangyarihan naman aniya ang Pangulo na ipatigil ang oil price hike kung may National emergency at matinding kalamidad.
Kahapon, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng P1.30 na paggtaas sa kada litro ng kanilang mga produkto.
Ito ang ikapitong sunod na linggong nagkaroon ng price hike at ikalawang linggong malaki ang ipinatupad na taas-presyo.
Sa datos ng Senador, mula lamang Enero pumalo na sa 17.85 piso kada litro ang itinaas sa presyo ng gasolina.
P16.50 naman sa kada litro ng diesel at P14.19 sa kada litro ng kerosene.
Meanne Corvera