Panukalang magtatag ng ahensya para sa boxing at combat sports, aprubado na sa Senado
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang magtatag ng Philippine Boxing at Combat Sports Commission.
Unanimous o 23 Senador ang bumoto pabor sa panukala na layong matiyak ang development at kaligtasan ng Filipino professional boxers at combatants.
Sa panukala, maglalagay ng isang ahensiya sa ilalim ng Games and Amusement Board na siyang tutugon sa paghahanap, training at development ng mga posibleng maging professional boxer.
Ang ahensya rin ang tutugon sa kanilang mga pangangailangan oras na sumalang na sila sa mga regional training at international competition.
Masasakop rin sila sa mga benepisyong ibinibigay ng Government Insurance Instutution tulad ng SSS, Philhealth, Pag-Ibig at pangkabuhayan program kapag tumigil na sa serbisyo.
Sinabi ni Senador Manny Pacquaio na may akda ng panukala, layon nitong mabigyan ng proteksiyon ang mga boksingero at mga atleta lalo na kapag nagretiro na.
Meanne Corvera