Panukalang magtatag ng Medical Reserve Corps dinidinig na ng Senado
Tinatalakay na ng Senado ang panukalang batas para magtatag ng Medical Reserve Corps.
Ang Medical Reserve Corps ay bubuuin ng Medical Experts, Scientists, Medical Practitioners at Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines na may kaugnayan sa medical service.
Ang grupong ito ang tutugon sa anumang banta ng pandemya tulad nang nangyaring COVID-19.
Sa pagdinig ng Senado iminungkahi ng Department of Health na tawagin itong
Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team o HEART.
Sasailalim sa masusing training ang HEART para paghandaan ang anumang health emergency kasama na ang mga kalamidad.
Sa ngayon tinatalakay pa ng Senado ang mga maaring maging benepisyo ng mga miyembro ng HEART tulad ng insurance benefits.
Meanne Corvera