Panukalang mass testing sa COVID-19 , ibinasura ng Malakanyang
Aminado ang Malakanyang na hindi kakayanin ng pamahalaan na magsagawa ng mass testing para malaman kung gaano karami ang positibo sa COVID-19 dahil sa omicron variant.
Sinabi ni Presidential Adviser on COVID-19 response Secretary Vice Dizon na impraktikal ang panukalang magsagawa ng mass testing sa buong populasyon dahil sa kakulangan ng pondo.
Ayon kay Dizon kailangan magamit ang nalalabing pondo ng pamahalaan sa iba pang COVID-19 response tulad ng pagpapanatiling available ang mga protective equipment na ginagamit ng mga health workers lalo na ngayong dumadami ang tinatamaan ng COVID-19.
Inihayag ni Dizon dahil sa mabilis na pagdami na naman ng kaso ng COVID-19 nalalagay sa high risk ang health care utilization sa bansa.
Vic Somintac