Panukalang modernisasyon ng BFP , niratipikahan na
Niratipikahan na ng Kamara at Senado ang Bicameral Conference committee report ng panukalang modernisasyon ng Bureau of fire protection.
Bago ratipikahan, nagsagawa ng nominal voting ang Senado sa bicam report dahil sa pagtutol ng ilang senador sa probisyon na armasan ang mga bumbero sa panahon ng emergency.
Labing apat na Senador ang pumabor sa Bicam report, apat ang tumutol habang dalawa ang nag abstain.
Kabilang sa mga tumutol sina Senador Ralph Recto, Minority Leader Franklin Drilon, Senador Francis Pangilinan at Nancy Binay.
Noong hunyo, ibinalik sa bicam ang panukala matapos ibasura ng mga senador ang kinukwestiyong probisyon sa pagdadala ng armas.
Pero ayon kay Senador Ronald bato Dela rosa na Head ng Senate contingent sa bicam, nirevise nila ang naturang probisyom at nilimitahan ang bilang ng mga bumbero na iisyuhan ng armas.
Obligado rin silang sumailalim sa neuro psychological examination bago pa man sila italaga sa naturang unit para matiyak na maayos ang kanilang pag-iisip at hindi maabuso ang paggamit ng armas.
Meanne Corvera