Panukalang National Id System lusot na sa Kamara

Lusot na sa third and final reading ang National ID System Bill.

Naipasa ang House Bill 6221 sa botong 142 na “yes” at pitong “no”.

Sa ilalim ng nasabing panukala, kailangan na magkaroon na ng iisang identification card ang may edad 18 pataas.

Gagamitin ito para sa mga transaksyon sa gobyerno, gayundin sa pagkuha ng mga serbisyo sa iba’t ibang ahensya o kagawaran sa pamahalaan.

Libre ang unang pagkuha ng naturang ID, pero sa oras na mawala ito at kukuha muli ng panibago, kailangan na itong bayaran.

Tamper-proof din  ang national ID, ibig sabihin, hindi ito magagaya o mananakaw ang anumang nakapaloob na impormasyon dito.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *