Panukalang pagayang bumoto sa pamamagitan ng koreo ang mga Senior Citizen, buntis at PWD, inihain sa Senado
Gaya ng ginawa ng Amerika, nais rin ni Senador Imee Marcos na payagang bumoto sa pamamagitan ng koreo o mail ang mga Senior Citizen, buntis, may kapansanan at Indigenous people sa 2022 National Elections.
Sa kaniyang Senate Bill 1870, sinabi ni Marcos na boboto sila sa pamamagitan ng mailing packets na may official election paraphernalia mula sa Commission on Elections.
Ipadadala ng Comelec ang mga ito sa mga bitante pero lalagyanng sapat na serial number stub para matiyak ang integridad ng balota.
Kailangan aniyang gawin ito para protektahan ang aniya’y pinaka-vulnerable sa sektor ng lipunan.
Nais ni Marcos na makapagsagawa na ng pilot testing para sa halalan.
Nasubukan na aniya ang ganitong sistema sa mga Overseas Filipino Workers at mga Pinoy seamen sa Italy at iba pang bansa na ginagamit ang postal services sa panahon ng eleksyon.
Meanne Corvera