Panukalang pagbasura sa PUP-DND accord, kinontra ng mga estudyante at mga militanteng grupo
Nababahala ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) community na sunod na ring kakanselahin ng Defense Department ang kasunduan nito sa PUP na nagbabawal sa militar at pulisya na makapasok sa campus nito nang walang pahintulot.
Panawagan ng mga mag-aaral, Uphold PUP- DND Accord, academic freedom at ang kanilang demokratikong karapatan.
Binatikos din ng mga estudyante ang Duterte Youth Partylist na nagpanukala na ibasura na rin ang PUP- DND Accord.
Iginiit pa ng PUP-Anakbayan, hindi lang atake sa UP at PUP students ang hakbang ng DND kundi sa lahat ng mag-aaral na nagsasalita at ipinaglalaban ang karapatan ng mamamayan sa panahon ngayon ng pandemya.
Tiniyak naman ng mga estudyante na patuloy silang makikipaglaban sa pagpasok ng militar sa kanilang pamantasan.
Moira Encina