Panukalang pagdaraos ng Baranggay at SK elections sa December 2023, tatalakayin sa Senado
Tatalakayin na sa plenaryo ng Senado ang Committee report na iurong ng isang taon ang baranggay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa disyembre ngayong taon.
Sa report ng Committee on Electoral Reforms and Peoples Participation, Committee on Local Government at Committee on Finance, inirekomenda na idaos ang Baranggay at SK elections sa ikalawang lunes ng disyembre 2023.
Sa Senate bill number 1306, kung maaprubahan mag- uumpisa ang panunungkulan ng mga mahahalal sa Disyembre 2023 sa January 1, 2024.
Hanggang January 1, 2024 naman ma-eextend ang termino ng mga kasalukuyang Baranggay at SK official.
Ang kasunod na Baranggay at SK elections ay itatakda naman sa ikalawang lunes ng Mayo 2026 at mula roon, tuwing ikatlong taon na ang eleksyon.
Inatasan naman ang Commission on Audit na ireport sa kongreso kung magkano na ang nagastos ng COMELEC sa kanilang budget para sa paghahanda sa eleksyon na nakatakda sa disyembre.
Meanne Corvera