Panukalang pagmamay ari ng 100 percent mga dayuhan ng mga public services tinutulan
Nagbabala si Senator Francis Tolentino na maaring makaapekto sa National security at ekonomiya ng bansa kapag ipinaubaya sa mga foreign companies ang kontrol at operasyon ng mga toll expressway.
Sa kaniyang interpelations sa panukalang amyenda sa Commonwealth act no 146 o public service act, sinabi ni Tolentino na ang mga tollways ay itinuturing na blood veins ng ekonomiya at dito idinadaan ang lahat ng mga produkto at serbisyo.
Ang anumang maaring shutdown sa mga public utility tulad ng tollways ay maaring makapagpatigil rin sa pag-usad ng ekonomiya.
Giit ng Senador, dapat ang konstruksyon at operasyon ng isamg expressway sa ilalim ng Public-Private Partnership Program ay dapat nasa kamay ng mga korporasyon na majority ay pag aari ng mga filipino.
Sa panukala luluwagan ang kontrol sa mga dayuhang kumpanya para makaakit ng mas maraming investors .
Pero sagot ni Senador Grace Poe na Chairman ng Committee on public service may mga nakalatag na safeguards sa panukala para hindi maabuso ng mga dayuhang kumpanya.
Meanne Corvera