Panukalang pagpapalawig ng bisa ng 2021 National budget, tinalakay na sa plenaryo ng Senado
Tinalakay na sa plenaryo ng Senado ang panukalang palawigin ang bisa ng 2021 National budget.
Inindorso ni Senate finance committee chairman Sonny Angara ang House Bill 10373 para iextend ang validity ng kasalukuyang budget hanggang sa December 31, 2022.
Nanghihinayang si Angara dahil batay sa datus ng Department of Budget and Management, aabot pa lang sa 74.5 percent ang napasok sa mga kontrata ng government projects habang may 175 billion pesos pa ang hindi nagagastos.
Aniya kung ibabalik sa treasury nangangahulugang mapepending din ang mga proyekto ng pamahalaan.
Sumulat na si DBM OIC Usec Tina Rose Canda sa liderato ng Senado para hilingin na i-extend ang bisa ng budget.
Apektado raw kasi ang implementasyon at naantala ang mga proyektong pinopondohan ng pamahalaan dahil sa pandemya.
Nangangamba rin ang DBM dahil sa susunod na taon matitigil ang konstruksyon , inspeksyon at pagbabayad ng infrastructure projects dahil sa election ban.
Ilan sa mga hinihiling na ma-extend ang 2.5 million pesos ng DOH para sa health assistance sa indigents patients, 192 million pesos para sa walong libong contact tracers ng DILG, at 37.5 billion pesos ng Department of Education.
Meanne Corvera