Panukalang paikliin ang curfew, posibleng talakayin sa susunod na pulong ng IATF
Maaring pag-usapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa susunod na pagpupulong sa Huwebes ang usapin ukol sa pagpapaikli ng curfew.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos mapagkasunduan ng karamihan ng miyembro ng Metro Manila Council na ipanukala na paikliin ang curfew.
Ayon kay Guevarra, posibleng ipaubaya ng IATF sa diskresyon ng mga Local Government Units ang pag-adjust sa curfew.
Maliban na lang anya sa mga lokal na opisyal sa Metro Manila na madalas na nagpapasya ng iisa o unison.
Una nang isinulong ng MMC na gawing alas-12:-00 ng hatinggabi hanggang alas kwatro ng madaling araw ang curfew at pagdating ng Disyembre ay gawing alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-3:00 ng madaling araw.
Ang Navotas City lang ang gustong manatili ng alas dies ng gabi hanggang ala singko ng umaga ang curfew.
Moira Encina