Panukalang palawigin ang 2021 general appropriations law , pinagtibay ng Senado
Pinagtibay ng Senado ang panukalang palawigin ang 2021 general appropriations law hanggang sa susunod na taon.
Unanimous o dalawampu’t dalawang senador ang bomoto pabor sa house bill 10373 na inamyendahan at inindorso ni Senador Sonny Angara.
Ayon kay Angara, malaki ang maitutulong nito sa recovery efforts ng gobyerno lalo na sa mga programa laban sa COVID-19.
Sa pamamagitan ng pagpapalawig sa budget, mabibigyan ng medical assistance ang mahigit 2.5 milyong indigent patients.
Mapopondohan rin ang pagkuha ng may walong libong mga contact tracers ng DILG.
Makakatulong rin aniya ito para sa mga ongoing build build build program ng gobyerno na inaasahang makakalikha pa ng dagdag trabaho.
Meanne Corvera