Panukalang patawan ng dagdag na buwis ang sweetened beverages gaya ng softdrinks, tinatalakay na sa Senado

beverages

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Sinimulan na ring himayin ng Senado ang panukalang patawan ng karagdagang excise tax ang mga sugar sweetened beverages gaya ng softdrinks.

Aprubado na sa Kamara ang panukala na layong patawan ng karagdagang sampung piso kada litro ang bawat beverages kabilang na ang carbonated at energy drinks.

Sa padinig ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara, sinabi ni Nueva Ecija Congresswoman Estrelita Suansing na gumagastos ng bilyong piso ang gobyerno kada taon para tulungan ang mga mahihirap na pasyente sa pagpapa-dialysis dahil sa sobrang sugar intake.

Batay rin aniya sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute, tatlo sa bawat sampung Pinoy ang obese at may diabetes o katumbas ng 30 percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Finance, kung bubuwisan ang softdrinks at sugar beverages, matutustusan ng gobyerno ang mga programa ng Department of Health laban sa mga non communicable diseases kabilang na ang diabetes.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *