Panukalang supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia, bigong maipasa sa Senado
Bigo ang Senado na pagtibayin ang panukalang supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia.
Naaprubahan na sa Committee on Finance ni Senador Loren Legarda ang panukala na nagkakalaga ng 1.16 billion pesos na layon sanang tulungan ang mga umanoy biktima na nasa mga pagamutan.
Pero nang isasalang na ito sa botohan kaninang madaling araw, kinuwestyon ni Senate minority leader Franklin Drilon ang quorum.
Nawalan ng quorum matapos magbotohan ang mga Senador sa panukalang Bangsamoro Basic law.
Posibleng matalakay ang panukala sa pagbabalik pa ng Sesyon sa July 23.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: