Panunumpa ng mga bagong abogado, isasagawa sa Mayo 2
Itinakda sa Mayo 2 ng Korte Suprema ang panunumpa ng mga nakapasa sa 2022 Bar Examinations.
Sa abiso ng Office of the Bar Confidant, sinabi na gaganapin ang oathtaking ng mga bagong abogado sa PICC sa Pasay City ng ika-10 ng umaga sa nasabing petsa.
Sabay din na isasagawa sa parehong araw ang roll signing o paglagda ng mga nakapanumpang abogado sa roll of attorneys.
Sa ngayon ay wala pang petsa ang Supreme Court sa paglalabas ng resulta ng 2022 Bar Exams.
Ayon sa OBC, mas maaga na inanunsiyo kaysa bar exams results ang iskedyul ng oathtaking para maisagawa ng prospective successful bar examinees ang mga kinakailangan na paghahanda.
Itinaas naman ng SC sa P5,000 ang bayad sa bar admission mula sa dating P3,750.
Moira Encina