Papel ni Chadwick Boseman sa ‘Black Panther,’ hindi na ire-recast sa sequel
LOS ANGELES, United States (AFP) – “Iisa lang si T’Challa.” Nagbigay ng tribute ang Disney sa pumanaw na aktor na si Chadwick Boseman, sa pamamagitan ng pag-aanunsyo na ang kanyang pioneering role sa “Black Panther” ay hindi na ire-recast sa sequel, kasabay ng pagbibigay ng detalye sa mga susunod na Marvel superhero film at mga serye.
Si Boseman ay namatay Agosto ngayong taon, matapos ang apat na taong pakikipaglaban sa colon cancer, subalit ni minsan nya isinapubliko ang kaniyang kondisyon.
Sa investor day ng Disney ay sinabi ni Marvel Studios president Kevin Feige, “The portrayal of T’Challa, the Black Panther is iconic and transcends any iteration of the character in any other medium from Marvel’s past — and it’s for that reason that we will not recast the character.”
Gayunman, ang planong sequel sa 2018 smash hit ay matutuloy pa rin at katatampukan ng ibat-ibang karakter na ipinakilala sa naunang pelikula.
Dagdag pa ni Feige, “To honor the legacy that Chad helped us build through his portrayal of the king of Wakanda, we want to continue to explore the world of Wakanda.”
Ang original “Black Panther,” na ang setting ay ang fictional African kingdom ng Wakanda, ay hinangaan ng mga kritiko at mga manonood, at naging kauna-unahang comic book film na na-nominate para sa best picture sa Oscars, at kumita ng higit $1 billion sa buong mundo.
Ang sequel ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa July 2022.
Sa isang packed presentation na kinatatampukan ng higit 20 upcoming Marvel films and series, inanunsyo ni Feige na isang bagong “Fantastic Four” movie ang ididirek ni Jon Watts, na siyang tumulong sa muling pagpapasigla sa “Spider Man” films.
Nakuha ng Disney ang movie rights sa “Fantastic Four” characters nang i-take over nila kamakailan ang katunggaling Fox film studio, na siyang nag-produce ng 2015 movie na nakabase sa comic books, pero hindi kumita.
Sa iba pang Marvel film announcements, si Christian Bale ay makakasama na sa “Thor: Love and Thunder” bilang villain, na ang shooting ay sisimulan na sa susunod na buwan.
Muli namang gagampanan ni Samuel L Jackson ang kaniyang papel sa franchise para sa “Secret Invasion” sa Disney+ streaming service, kung saan ayon kay Feige ay siyang pinakamalaking crossover comic event sa nakalipas na 20 taon.
At dahil ang popular na Iron Man character ni Robert Downey Jr. Ay humiwalay na sa Marvel films, kaya si “If Beale Street Could Talk” actress Dominique Thorne ay lalabas na sa bagong serye na “Ironheart,” na tungkol sa isang babaeng genius inventor na may advanced suit of armor.
Muli ring gagampanan ng Marvel films veteran na si Don Cheadle ang kaniyang papel para sa “Armor Wars,” na isa ring Disney+ series.
Sa harap naman ng pangambang matulad ang Disney sa katunggali nitong Warner Bros na ang kanilang blockbusters ay didiretso na rin sa streaming sa susunod na taon, ay kinumpirma ni Feige confirmed na matagal nang na-delay na “Black Widow” superhero movie na katatampukan ni Scarlett Johansson, muling magbabalik sa “big screen” sa Mayo ng 2021.
Samantala, naglatag din ng plano ang Disney para sa isang Pixar “origin story” para sa popular na “Toy Story” character na si Buzz Lightyear, at isang bagong “Sister Act” sequel kasama ng magbabalik na si Whoopi Goldberg.
Isang bagong serye na nakabase sa “Alien” films pero ang setting ay Earth, ay gagawin naman ni Noah Hawley (“Fargo”) kasama ang original director na si Ridley Scott, habang ang “Hamilton” creator na si Lin-Manuel Miranda naman ang magbibigay ng musika para sa “Encanto,” ang 60th animated film ng Disney, na ang setting ay isang Colombian world of magic realism.
© Agence France-Presse