Papua New Guinea, tinamaan ng 6.9-magnitude na lindol: USGS
Tinamaan ng magnitude-6.9 na lindol ang northern Papua New Guinea, ayon sa United States Geological Survey
(USGS).
Sinabi ng Pacific Tsunami Warning Centre na “walang tsunami threat” mula sa inland quake, na tumama bandang ala-6:22 ng umaga local time, sa lalim na tinatayang 35 kilometro (21 milya).
Ayon sa USGS, “The ‘notable quake’ hit some 88 kilometres (54 miles) southwest of Wewak, a town of 25,000 people that serves as the capital of Papua New Guinea’s East Sepik province.”
Wala namang agad na mga ulat ng pinsala o injuries. Ang pagyanig ay ibinaba mula sa naunang 7.0-magnitude.
Ang mga lindol ay karaniwan sa Papua New Guinea, na nasa ibabaw ng seismic “Ring of Fire” — isang arko ng intense tectonic activity na umaabot hanggang sa Southeast Asia at sa magkabilang panig ng Pacific basin.
Bagama’t bihirang maging sanhi ng malawakang pinsala, ang mga lindol ay maaaring mag-trigger ng mapaminsalang landslides.
Gaya na lamang noong Abril ng nakaraang taon, kung saan hindi bababa sa pito katao ang namatay sa 7.0-magnitude na lindol na tumama sa magubat na bahagi sa loob ng bansa.
Marami sa siyam na milyong mamamayan ng bansa ang naninirahan sa labas ng mga pangunahing bayan at lungsod, kung saan ang kakulangan ng mga kalsada ay maaaring makapagpahirap sa search-and-rescue efforts.