Para sa mga ayaw magsuot ng face mask

Kapitbahay masayang araw!

Hindi tayo dapat magtalo ukol sa pagsusuot ng face mask, alam naman natin ang ukol sa ipinatutupad na health protocol ukol dito .

Magkagayunman, may iba tayong mga kababayan na mapapansin mong hindi na nagsusuot nito. 

Ang rason nila ay mababa naman  na ang kaso, fully vaccinated na at meron pa ngang booster.

But, let’s face it, nasa paligid pa rin si covid – 19.

courtesy of theaseanpost.com

May pandemya pa rin  bagaman ang mga sintomas na nararamdaman ngayon ay parang trangkaso lang.

Nariyan na sumasama ang pakiramdam, nilalagnat, may konting sipon at ubo . 

Ihihiga lang natin ng 2-3 days, okay na ulit.  

Kaya lang bagaman sinasabing kaparehas ng sintomas sa trangkaso, ang pinagkaiba, ang trangkaso hindi gaanong nakakahawa samantalang ang covid -19 ay nakakahawa pa rin.

Ito ay sa kabila na may bakuna na at booster pa.

Kung papansinin natin nadadagdagan na naman ang kaso  ng covid- 19 sa pagpasok pa lang ng Hunyo. 

Kung tayo ay malakas ang resistensya o ang immune system, paano ang mga mahal natin sa buhay. 

courtesy of cfc.org

‘Yung mga matatanda o senior na kasama natin sa bahay? 

‘Yung mga immunocompromised o may comorbidity, kung hindi tayo mag-iingat ?

Alam natin gaya ng sinasabi na rin ng mga eksperto na mabuting pananggalang sa covid – 19 virus at sa iba pang sakit ang pagsusuot ng face mask.

Kasabay nito gawin ang social distancing, malinis na pangangatawan, paggamit ng alcohol, pagpapabakuna at pagpapalakas ng resistensya.

Lagi nating isaisip ang pagmamahal natin hindi lang sa sarili natin kundi maging  sa ating kapwa, ang pagmamalasakit sa iba.

Walang masama kung maging maingat !

Please follow and like us: