Parañaque City binaha dahil sa malakas na buhos ng ulan
Saglit lamang ang malakas na buhos ng ulan sa Parañaque at Las Piñas, subalit agad itong nagdulot ng pagbaha sa national road ng Parañaque, partikular sa Dra. A. Santos ave., sa harap ng Fourth State Subdividion.
Halos umabot ang tubig baha sa center island, kayat naabala ang mga motoristang dumaraan laluna sa mga naka-motorsiklo.
May ibang nagpumilit na tumawid subalit namatayan ng makina, kaya pinili na lamang ng karamihan na pahupain ang baha.
Ayon sa netizen na si Moises Sicad, kaya mabilis bahain ang lugar kapag malakas ang ulan ay dahil sa mababa ang kalsadang papasok sa Fourth State Subdivision.
Aniya, lahat ng tubig ulan ay napupunta sa kanal ng kalsada na karaniwan naman ay nababarahan ng mga basura gaya ng bote ng mineral water, kayat mabagal ang paghupa ng tubig baha.
Rodel Paguntalan