Parañaque city, magpapatupad ng Liquor ban, simula Aug. 2-20
Magpapatupad ng liquor ban ang Parañaque City sa susunod na tatlong linggo bilang paghahanda sa implementasyon ng mas mahigpit na quarantine status sa Metro Manila simula August 6 hanggang 20.
Sa kanilang advisory sa social media pages ng lungsod, magsisimula ang liquor ban sa August 2 hanggang 20, 2021.
Dahil dito, ipinagbabawal ang pagbebenta, pagse-serve at pag-inom ng mga alak o alcoholic beverages sa mga itinakdang araw.
Samantala, nagpalabas din ng abiso ang City of Paranaque na mula August 2 hanggang 20, 2021 ay suspendido muna ang Philsys registration sa lahat ng registration sites sa lungsod.
Ito ay aprubado ng Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Statistical Office V kasunod ng rekomendasyon ng city government.