Paratang ng US Intelligence community na banta sa demokrasya si Pangulong Duterte, kinontra ng Malakanyang
Mariing kinontra ng Malakanyang ang assessment ng US intelligence community na banta sa demokrasya sa Asya si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Cambodian Prime Minister Hun Sen.
Sa statement na inilabas ni Presidential Spokesman Harry Roque, ispekulasyon lamang ang assessment ng US intelligence community.
Sinabi ni Roque na hindi isang diktador si Pangulong Duterte gaya ng iniisip ng intelligence community ng Amerika.
Ayon kay Roque malayang umiiral ang demokrasya sa bansa dahil gumagana ang mga hukuman maging ang kongreso.
Inihayag ni Roque na maging ang media ay malaya ding nagrereport ng mga kaganapan sa bansa kasama dito ang fake news.
Niliwanag ni Roque kung gumagamit man ng social media ang gobyerno ganun din ang ginagawa ng oposisyon.
Iginiit ni Roque maging sa Amerika ay gumagamit din ng social media para sa kanilang propaganda.
Ulat ni Vic Somintac
======================