Paris agreement, niratipikahan na ang Senado
Niratipikahan na ng Senado ang ang Paris Agreement on Climate Change.
Dalawamput dalawang senador ang bomoto ng pabor sa Senate Resolution 320.
Ayon kay Senadora Loren Legarda, chair ng sub committee on Foreign Relations, layon ng Paris agreement na limitahan ang average ng Global temperature sa below two degrees celsius .
Sa pamamagitan ng kasunduan, magkakaroon ng access sa International climate finance mechanism at makakakuha ng financial support sa mga mayayamang bansa para sa green economy.
Ayon kay Senador Sonny Angara, katunayan lang ito na committed ang Pilipinas na maging bahagi ng climate justice kahit ang Pilipinas ang pang 148 sa 200 mga bansang may greenhouse gas production.
“It has been said that “no one city can fight climate change alone,” so in this light I express my support for our country to honor the Paris Agreement. While we still need to be firm about our policies and responses to caring for our planet locally- it also makes perfect sense to lend our voice to the world”. – Sen. Angara
Sinabi ni Angara na sinuportahan nila ito para limitahan ang matinding epekto ng climate change at protektahan ang natural resources ng Pilipinas.
Ulat ni: Mean Corvera