Partial closure ng Lagusnilad, sinimulan ngayong Mayo 2
Sarado sa motorista simula ngayong Martes, Mayo 2, ang bahagi ng Lagusnilad sa Maynila.
Sasailalim sa 4-na-buwang rehabilitasyon ang tunnel.
At dahil isang linya lang muna ang pwedeng daanan, asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga motoristang papunta sa Taft Avenue.
Hindi naman tutol ang ilang mga motoristang maapektuhan kung mas magiging maayos naman daw ang Lagusnilad.
Reklamo ng ilan, sa kasalukuyan ay sagabal ang pagdaan sa lugar dahil sa lubak-lubak na daan at iba pang sira sa kalsada.
Para sa mga apektadong motorista na pupunta sa Taft Ave. at naghahanap ng alternatibong daan, maaaring kumanan sa Padre Burgos Avenue, at kakanan sa round table patawid sa Maria Orosa, bago kakaliwa sa Kalaw Avenue at kakanan sa Taft Ave. patungo sa destinasyon.
Humingi naman ng pang unawa ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga apektado ng partial closure.
“Hinihingi namin ang pang-unawa nyo, 4-na-buwan lang para masiguro natin na ang Lagusnilad ay madadaanan ng maayos,” paliwanag ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Madelyn Moratillo