Partial reorganization sa tatlong division ng Korte Suprema, ipinatupad kasunod ng pagkakatalaga kay Chief Justice Lucas Bersamin
Muling nire-orgaganisa ng Korte Suprema ang tatlong dibisyon nito matapos maitalaga si Chief Justice Lucas Bersamin.
Sa Special Order Number 2623 na may lagda ni Bersamin, ang bagong Punong Mahistrado ang tatayong chairperson ng Supreme Court First Division habang si Senior Associate Justice Antonio Carpio naman ang chair ng Second Division at si Associate Justice Diosdado Peralta naman ang mamumuno sa Third Division ng Korte Suprema.
Si Justice Mariano Del Castillo naman ang working chair ng First Division at miyembro sina Justices Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.
Sa Second Division, miyembro sina Justices Estela Perlas-Bernabe, Alfredo Benjamin Caguioa, Jose Reyes Jr, at bagong Associate Justice Rosmari Carandang.
Ang Third Division ay binubuo ng mga miyembrong sina Justices Marvic Leonen, Andres Reyes Jr, at Ramon Paul Hernando.
Sa hiwalay na kautusan ni Bersamin, itinalaga nito bilang karagdagang miyembro ng Third Division si bagong Associate Justice Rosmari Carandang.
Ulat ni Moira Encina