Participatory Coastal Resources Assessment isinagawa sa Zamboanga del Norte
Nagsagawa ng isang Participatory Coastal Resources Assessment (PCRA), ang Department of Agriculture at Bureau of fisheries and Aquatic Resources Region 9 sa pamamagitan ng Coastal Resources Management Section, sa bayan ng Manuel L. Roxas, sa Zamboanga del Norte.
Ang nasabing aktibidad ay tugon sa kahilingan ng Alkalde ng bayan na si Atty. Jan Hendrick Vallecer noon pang nakaraang taon, na magsagawa ng PCRA sa kanyang munisipalidad na ipinagpaliban muna dahil sa pandemya.
Ang kahilingan para sa PCRA ay kaugnay sa mga plano ng LGU ng Roxas na mag-install ng artificial reefs sa strategic locations, sa karagatang sakop ng kanilang munisipalidad.
Ang bayan ng Roxas ay naghanda na ng maraming yunit ng artificial reefs para sa pag-set up nito mula pa noong nakaraang taon.
Ang lugar na paglalagyan ng artificial reefs ay natukoy matapos isagawa ang PCRA.
Ang apat na araw na PCRA ay pinangunahan ng PFO na si Ms. Arcelita A. Andaya, kasama ang mga miyembro ng PCRA Team na binubuo ng mga diver at technical personnel mula sa bureau.
Bago ang aktibidad ay nagkaroon muna ng pulong kasama si Mayor Vallecer, mga pangunahing tauhan mula sa MAO, at ang mga kumakatawan sa iba’t ibang coastal barangay na sakop ng bayan, upang ipaalam sa kanila ang buod ng apat na araw na aktibidad.
Matapos makolekta ang lahat ng kinakailangang impormasyon at data ay nagsagawa ng mga presentasyon at mga rekomendasyon.
Ang DA-BFAR-PCRA ang nagbigay ng go-signal para sa pag-i-install ng artificial reefs, sa mga natukoy na lokasyon sa baybayin batay sa ginawang assessment.
Ulat ni Eunilyn Dalman