Partition tent inihanda ng lokal na pamahalaan ng maynila sakaling kailanganing maglikas ng mga residente sa lungsod
Naghanda na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sakaling kailanganing maglikas ng mga residente dahil sa bagyong pepito.
Kaugnay nito, inilatag na ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga partition tent sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo na magsisilbing evacuation center.
Ang Delpan Evacuation Center kasi ng lungsod ay hindi magagamit sakaling may mga ilikas na residente dahil nagsisilbi ito ngayon bilang quarantine facility para sa mga suspect case ng COVID-19.
Ang Metro Manila ay kabilang sa mga lugar na isinailalim sa Public Storm Warning Signal number 1.
Madz Moratillo
Please follow and like us: