Party leaders sa kamara, kokonsultahin pa ni House Secretary General Reginald Velasco bago i-transmit ang impeachment complaints laban kay VP Sara

House Secretary General Reginald Velasco

Nakabinbin pa rin sa Office of the Secretary General g House of Representatives, ang tatlong impeachment complaints na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco, na sa pagbabalik ng sesyon ng kamara ngayong araw ay hindi pa niya masabi ang eksaktong petsa kung kailan niya ita-transmit sa Office of the Speaker, ang tatlong impeachment complaints laban kay VP Sara dahil kailangan pang konsultahin ang party leaders na bumubuo sa super majority sa kamara.

Ang unang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo, ay inihain sa Office of the Secretary General noong December 2, 2024 ng civil society group na inendorso ng Makabayan Block ng kamara, na nakabatay sa mga impeachableoffenses na nakasaad sa saligang batas, na culpable violation of the constitution, graft and corruption, bribery, betyaral of public trust at high crimes.

Ang ikalawang impeachment complaint laban sa bise presidente ay inihain sa kamara noong December 4, 2024 ng grupong Bayan Muna kasama ang mga civil society group na nakabatay lamang sa impeachableoffense na betrayal of public trust.

Ang ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara ay inihain sa kamara noong December 20, 2024 dalawang araw matapos ang holiday season break ng sesyon ng kongreso noong December 18, 2024 ng grupo ng mga abogado at civil society group na nakabatay sa mga impeachable offenses na culpable violation of the constitution, betrayal of public truct, bribery kasama ang hindi impeachable offense na malversation of public funds.

Ayon kay Velasco, matapos ang isang buwan mula nang isampa ang mga impeachment complaints laban sa pangalawang pangulo, ay hindi pa nadaragdagan ang endorsers na kongresista.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *