Partylist group na diniskwalipika ng Comelec sa 2019 elections, muling hiniling sa SC na aksyunan ang kanilang petisyon
Muling kinalampag ng isang partylist group na diniskwalipika ng Comelec sa halalan sa Mayo ang Korte Suprema para aksyunan na ang kanilang petisyon na makatakbo sa 2019 elections.
Umapela ang Manggagawa Partylist sa Supreme Court na bago magsimula ang pag-imprenta ng balota sa Pebrero a siete ay mapagpasyahan na nito ang kanilang kahilingan na magisyu ng TRO laban sa pagtanggal sa kanila ng poll body sa listahan ng mga partylist candidates.
Umaasa sila na papabor sa kanila ang Korte Suprema para makasali sa darating na eleksyon.
Binatikos pa ng grupo ang mga tinatawag nilang “Dudirty” partylist groups o ang mga kakampi ng administrasyon gaya ng Duterte Youth at ang Kasosyo Partylist ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.
Giit ng mga petitioners dapat ang mga nasabing partylist ang hindi pinayagan na kumandidato sa eleksyon.
Ulat ni Moira Encina