Parusa laban sa mga sangkot sa hazing gagawin ng krimen, mga mapapatunayang kasabwat maaring makulong hanggang 20 taon
Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na agad na papanagutin sa batas at makulong ng habang buhay ang sinumang mahuling sangkot sa hazing lalo na kapag namatay ang biktima.
Kasunod ito ng pagkamatay na naman dahi sa hazing ng isang law student na si Horacio Tomas Castillo the third sa University of Sto. Tomas.
Sa inihaing Senate Bill 199 ni Gatchalian, makukulong ng hindi lalampas sa 20 taon ang sinumang indibidwal o grupo na mahuhuli sa akto ng hazing.
Makukulong naman ng habambuhay ang sinumang sangkot sa hazing kapag namatay o nasawi ang biktima.
Kinondena ni Gatchalian ang panibagong kaso ng hazing dahil isa na namang bata ang namatay.
Aniya dapat ng ipagbawal ang hazing sa bansa at gawing criminal act ito.
Kasabay nito nananawagan din si Gatchalian sa UST masiguro na ang ina acredited na fraternity ay hindi gumagawa ng hazing matapos mapag-alaman na ang sinalihan ng nasawing biktima na si Castillo na Aegis Juris ay accredited ng UST.
Ulat ni: Mean Corvera