Pasay City General Hospital hindi na tatanggap ng Covid at non- covid cases
Naabot na ng Pasay City General Hospital ang full capacity nito para sa mga COVID-19 cases
Sa abiso ng PCGH, puno na ang Covid confirmed ICU beds, ward beds, ER isolation rooms at ER anteroom nito.
Dahil dito, hindi na tatanggap ang pagamutan ng severe at critical Covid patients.
Inanunsiyo rin ng PCGH na hindi na rin sila tatanggap ng non- Cvid cases dahil naman sa kakulangan ng staff.
Ayon sa ospital, 44 health care workers nito na karamihan ay nurses at ancillary personnel ay positibo, symptomatic, naka-isolate o kaya ay nagkaroon ng close contact sa mga Covid positives at naghihintay ng resulta ng swab test.
Tanging ang mga extreme emergency o life threatening surgical procedures lang muna ang tatanggapin ng PCGH.
Moira Encina