Pasay City, nakapagtala ng panibagong 141 kaso ng COVID-19
Patuloy ang paglobo ng kaso ng COVID19 sa Pasay, kung saan mahigit 10-libo na ang kabuuang bilang ng naitalang confirmed cases, at 141 dito ay mga bagong naitala ng City Health Office.
Samantala, nasa 9,097 o 88.70% naman ang kabuuang gumaling mula sa sakit.
Kaugnay nito ay nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Pasay sa publiko, na palaging sundin ang minimum health standards na ipinatutupad ng IATF, upang maingatan ang sarili at ang pamilya.
Samantala, nangunguna na ngayon sa ang Barangay 183 sa listahan ng City Health Office, na may mataas na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, mahigit 30 pamilya sa nasabing barrio ang naka-home quarantine sa ngayon.
Sinabi naman ni BHERT officer-in-charge Kagawad Richard Torrico, na suportado ng pamahalaang lungsod ng Pasay at ng barangay ang mga pamilyang naka-home quarantine, kung saan binigyan nila ang mga iyo ng grocery items at gamut para mapunan ang pangangailangan ng kanilang sambahayan.
Dagdag pa ni Torrico, wala na ring mapagdalhan ng COVID-19 patients sa mga facility area sa Pasay, kaya mas minabuti nilang pamalagiin na lang sa kani-kanilang tahanan ang mga ito para masunod ang mandato ng IATF na 14-days quarantine.
Mahigpit naming babantayan ng barangay health workers ang mga nagpositibo sa virus.
Ulat ni Jimbo Tejano