Pasay Councilor Borbie Rivera, patay sa pamamaril… criminal records, pinag-aaralan na ng pulisya

 

Idineklarang dead on arrival sa Asian Hospital sa Muntinlupa City si Councilor Borbie Rivera ng Pasay City matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga gunmen sa labas ng exit ng isang mall sa Las Piñas City, pasado alas-otso ng gabi ng Sabado, Agosto 5.

Ayon kay Southern Police district o SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario, isang lalaki ang lumapit sa konsehal at pinagbabaril ito habang nasa tapat ng Door 4 ng SM Southmall at patungo sanang parking area.

Nagtamo si Rivera ng mga gunshot wounds sa kaniyang ulo at katawan.

Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo na walang plate number.

Matatandaang noong Hunyo ay nakaligtas si Rivera sa pananambang sa Pasay City.

Sinabi pa ni Supt. Apolinario, iniimbestigahan na ng pulisya kung may kaugnayan ang pagkakabaril sa kaniya sa kalakalan ng iligal na droga batay na rin sa criminal record ng konsehal.

Apil 2015 nang arestuhin si Rivera na noo’y Barangay Chairman ng Barangay 112 sa Pasay City bilang numero uno sa Top 10 Target Personalities ng SPD.

Ngunit pinalaya rin siya noong 2016 matapos mabasura ang kaniyang kaso.

Pansamantala ring isinara sa publiko ang lugar na pinangyarihan ng krimen upang masiguro ang kaligtasan ng mga taong nagtutungo sa nasabing mall.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *