Pasig at San Juan City lumagda sa kasunduan sa AstraZeneca at National Government para sa pagbili ng COVID vaccines
Inanunsyo ng mga lokal na pamahalaan ng Pasig City at San Juan City na lumagda na sila sa tripartite agreement sa AstraZeneca at nasyonal na gobyerno para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, bumili na sila ng 400,000 doses ng nasabing bakuna na may halagang 100 milyong piso.
Ang nasabing doses anya ng bakuna ay para sa 200,000 Pasigueño.
Tiniyak ng alkalde na iba pa ito sa COVID vaccines na ibibigay ng DOH at bibili rin sila ng mga bakuna mula sa ibang mga kumpanya.
Samantala, inihayag ni San Juan Mayor Francis Zamora na ibibigay ng National Task Force Against COVID-19 ang mga bakuna sa oras na ito ay aprubahan na ng FDA at magkaroon na ng suplay.
Anya libre ang nasabing bakuna para sa mga San Juaneño na nagparehistro sa LGU para sa COVID vaccination.
Sa pinakahuling bilang, umabot na sa mahigit 8,300 residente ng San Juan ang nagparehistro para sa libreng bakuna laban COVID.
Moira Encina