Pasig City goverment sinimulan na ang pagsasanay sa mga vaccinators para sa COVID-19 vaccination system
Inumpisahan na ng pamahalaang lungsod ng Pasig City sa pamamagitan ng DOH ang pagsasanay sa mga vaccinators bilang paghahanda sa implementasyon ng COVID-19 vaccination program.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, ang Pasig City ang unang LGU na magpapatupad ng COVID vaccination system ng DOH kaya mahalagang hakbang ang training sa mga vaccinators.
Kaya sa oras anya na dumating na ang mga bakuna sa bansa ay handa na ang lungsod.
Sinabi ng alkalde na sa ngayon mahalagang tandaan na wala pang nakakaalam kung kailan dadating sa bansa ang unang batch ng COVID vaccines.
Ang unang batches ng bakuna anya na darating ay bibilhin ng nasyonal na gobyerno.
Inihayag pa ni Sotto na ang importante sa ngayon ay handa ang LGU sa pagbabakuna kapag dumating na ang COVID vaccines at inaprubahan na para magamit.
Ang Phase 1 anya ng vaccination program ay ang pagbabakuna sa mga medical frontliners at ang Phase 2 ay mga senior citizens at persons with disabilities.
Moira Encina