Pasig City Government nanawagan sa mga gumaling sa Covid-19 na mag-donate ng plasma
Nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Pasig City para sa mga plasma donors.
Sa abiso ng Public Information Office ng lungsod, sinabi na maaaring mag-donate ng plasma ang mga gumaling mula sa Covid-19 para makatulong sa mga kasalukuyang pasyente na nahawahan ng virus.
Ang mga requirements para makapag-donate ay:
-Positive PCR swab result
-Negative PCR swab result
-Kung walang negative PCR swab result, ay dapat na mahigit 28 araw nang walang mga sintomas ng COVID
-Pinakahuling ECLIA antibody test result
-May edad na 18-65 taong gulang; at
-May timbang na 50 kilograms o higit pa
Ang plasma ay tumutukoy sa dilaw na likidong bahagi ng dugo na naglalaman ng antibodies na lumalaban sa mga bacteria o virus na nakapapasok sa katawan.
Sinabi ng LGU na ang plasma mula sa nakarekober sa Covid ay mayroong antibodies laban sa virus na pwede makatulong para mapagaling ang mga pasyente.
Tumatanggap ng kahit anong blood type para sa plasma donation.
Isasailalilm naman sa screening sa St. Luke’s BGC ang lahat ng plasma donors.
Ang mga interesadong mag-donate o may katanungan ay maaaring tumawag sa PCCH Laboratory sa numerong 8643-2222 local 303.
Moira Encina