Pasig City Mayor Vico Sotto kinilala ng US State Department bilang isa sa Global anti-corruption champions
Binati ng US Embassy si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pagkakapili rito ng US State Department bilang isa sa 12 global anti-corruption champions.
Ayon sa US Embassy, iginawad ang pagkilala kay Sotto dahil sa commitment nito sa transparency initiatives noong ito pa ay konsehal ng Pasig City at hanggang ngayong alkalde na ito.
Partikular na rito ang pagbuo ni Sotto ng unang freedom of information legislation ng Pasig City noong siya pa ay konsehal.
Sinabi ng US Embassy na ipinagpatuloy ni Sotto ang pagsulong sa transparency nang maging mayor na ito partikular sa budgeting at contracting process.
Si Sotto ay naging bahagi ng US-sponsored na Young Southeast Asian Leaders Initiative (YSEALI) Professional Fellows Program sa Amerika noong 2018.
Moira Encina