Pasig City pinasinayaan ang Vaccination Command Center
Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasig City ang Vaccination Command Center ng lungsod para sa maayos na implementasyon ng kanilang COVID-19 vaccination plan.
Ayon sa Pasig City PIO, inuokupa ang command center ng mga tauhan na kasama sa araw-araw na operasyon ng vaccination team gaya ng profilers, encoders, nurses at mga miyembro ng Operations Center.
Ang command center din ang magsisilbing vaccination area sa mga healthcare workers.
Ang bahagi rin ng command center ay para sa Pasig Health Monitor na mag-a-update sa health records ng city government employees na itinuturing na frontline o essential workers na kasama sa priority groups sa vaccination program.
Ang Pasig Health Monitor din ang magiging health information management and monitoring system ng lungsod para sa pre-vaccination phase ng vaccination plan.
Moira Encina