Pasig River ferry ipinabubuhay para makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila
Inirekomenda ni Senador Sonny Angara ang pagbuhay sa 14 na Ferry stations sa Pasig river.
Sa harap ito ng matinding problema sa trapiko na nararanasan ngayon sa Metro Manila.
Ayon kay Angara, maaaring gawing alternatibong transportasyon ang Pasig Ferry habang hindi pa natatapos ang konstruksyon sa mga infrastructure projects gaya ng Skyway extension, MRT at LRT line expansion at rehabilitations.
Iginiit ng Senado na batay sa kanilang pag-iimbestiga, may kakayahan naman ang Pasig River ferry na makabawas sa problema sa trapiko sa kalakhang Maynila at may mga nagawa ng pag-aaral hinggil dito.
Kailangan lamang aniyang sumailalim ito sa maintenance at dagdagan ang mga bagong ferry.
Sa kaslaukuyam sa 14 na Pasig river stations, 11 lang ang operational na bumibiyahe mula Pasig, Mandaluyong, Makati hanggang Maynila.
Ulat ni Meanne Corvera