Paso at iba pa na gawa sa semento, pinagkakakitaan ngayon sa Benguet
Ang mga di na pinakikinabangang palstic ang ginagamit bilang hulmahan sa paggawa ng paso na yari sa semento.
Ang mga basura o hindi na ginagamit na tela gaya ng tuwalya ay ibinabad naman sa semento at pagkatapos ay inilalagay sa plastic na hulmahan upang makabuo ng paso, na ginagawan ng iba’t-ibang disenyo para maging mas maganda.
Kapag nahulma at nalagyan na ng disenyo ay patutuyuin ito sa araw hanggang sa tumigas, bago kukulayan at pipintahan upang maging attractive sa paningin.
Hindi lamanng paso ang maaaring gawin mula sa semento. pwede rin na makagawa ng lampshade, laruan at mga palamuti.
Sinabi ni Lorna Cireneo, ang paso na gawa sa semento ay mainam pagkakitaan ngayong pandemya, dahil kahit sa bahay ay pwede itong gawin.
Aniya, mahigit 20 paso ang kaniyang nagagawa sa loob ng isang araw na naipagbibili naman sa halagang 150-700, depende sa laki at design nito.
Ulat ni Floreto Fernandez